Magandang araw!
Bilang bahagi ng ating pagpapalaganap ng kaalaman sa data privacy at cybersecurity, ibinabahagi ng Data Protection Office ang kalakip na infographic tungkol sa pag-iwas sa spam emails.
Paalala sa lahat na mag-ingat sa mga kahina-hinalang email. Huwag basta-basta mag-click ng mga link o magbukas ng attachments mula sa hindi kilalang nagpadala. Ang simpleng pag-iingat ay makakatulong upang maiwasan ang pagnanakaw ng impormasyon, pagkawala ng pera, at iba pang banta sa online na seguridad.
Maaari ninyong tingnan ang infographic dito.
Inaanyayahan ang lahat na basahin ito at isabuhay ang mga simpleng hakbang upang mapanatiling ligtas ang inyong personal at opisyal na impormasyon.
Maraming salamat at manatiling ligtas online!